Saan man sa mundo ay makikitaan ng mga kulturang ipinagmamalaki ng kani-kanilang bansa katulad na lamang sa bansang Greysa, Espanya at ang ating sariling bansa, ang Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura mula Luzon, Visayas, Mindanao, mga rehiyong sakop nito at bawat lalawigan, mapa-syudad man o probinsya. Kahit saan ka man lumingon sa iyong paligid ay makikitaan mo ng mga kulturang hinding-hindi natin makakalimutan bilang mga Pilipino sa kaugaliaan man, sining, pagkain, pamahalaan, o makasaysayang pook na ating pinagmamalaki. Malaki ang naaambag ng kultura sa ating pagkakakilanlan bilang isang matagumpay na lipunan.
Sikat ang Pilipinas sa dami ng lugar na siyang makikitaan mo ng ating kultura mula sa magandang tanawin, klima hanggang sa personalidad ng mga tao katulad na lamang ng Tagaytay na siyang nasa probinsya ng Cavite. Kapag sinabing Tagaytay, anong nasa isip mo?Maliban sa magandang tanawin ito ng sikat na Taal Volcano, ito rin ay nasa mataas na lugar kaya naman ang Tagaytay ay kilala bilang Second Summer Capital of the Philippines. Ito ay dinarayo ng mga tao dahil sa malamig na klima. Ngunit hindi lamang iyon ang mga bagay na dapat natin malaman sa sikat na pasyalan tuwing tag-init dahil marami pa itong mga kultura na sadyang katangi-tangi at ating maipagmamalaki sa ibang dayuhan ng ating bansa.
Ang Taal Volcano ay siyang kilala dahil ito ang pinakamaliit na bulkan sa buong mundo na nasa gitna ng isang lawa. Dinarayo ito ng mga turista, hindi lamang ng mga Pilipino pati na rin ang mga ibang banyaga dahil sa magandang atraksyong masisilayan. Isa sa mga sikat na lugar sa Tagaytay upang makita ang ganda ng Taal Volcano ay ang Picnic Grove. Maliban sa pagtanaw ng bulkan ay marami pang aktibidad ang nakasanayan ng mga pumupunta dito katulad na lamang ang pagsakay sa kabayo, sumakay sa zipline o cable car at magpiknik kasama ang kani-kanilang pamilya. Marami ding mabibiling mga souvenir na kilalang produkto o gawa sa Tagaytay. Ang mga nakatira naman dito ay matiyaga at masipag na ginagawang paghahanap-buhay ang pagtitinda sa loob ng parke katulad na lamang ng pagtitinda ng mga laruan para sa mga bata, paglalako ng taho at pag-alalay sa mga sumasakay ng kabayo.
Nakasanayan din tuwing pagsapit ng Mayo na idaos ng mga taga-Tagaytay ang Pilipinyahan Summer Festival. Ang pinya ay masaganang tumutubo sa Tagaytay dahil sa malamig na klima dito. Ang pista ay pinagdiriwang bilang mahalagang prutas ng ating bansa mula ng ipinakilala ito sa atin sa panahon ng mga Espanyol. Nagkakaroon din ng parada kung saan napapakita ang pagiging malikhain ng mga taga-Tagaytay sa sining sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mgapineapple floats, meron din silang Santacruzan kung saan ang damit ng mga kalahok ay gawa safiber ng pinya at paligsahan sa pagluto gamit ang pangunahing sangkap na pinya. Ang mga tanim na pinya ay masisilayan sa kahabaan ng kalye sa mga gilid ng kalsada.
Hindi rin maitatanggi ang pagiging relihiyoso ng mga tao dito. Sa katunayan ay ipinagdiriwang din nila ang pista ng 'Ina ng Awa' o sa ingles ay 'Our Lady of Perpetual Help' na dinarayo ng mga turista. Marami ding simbahan na pwedeng puntahan tulad na lamang ng 'Our Lady of Lourdes Church' at 'Basilica of St. Martin' na matatagpuan sa Tagaytay. Makakakita din ng iba't-ibang imahe ng santo at imahe ni Hesus na siya namang iniingatan at inaalagaan ng mga tao. Marami ding turista mula sa ibang lugar na pinupuntahan ang mga simbahang ito sa mga panahon ng Bisita Iglesia upang makapagdasal.
Hindi din magpapahuli ang mga taga-Tagaytay sa sining. Mula sa kahabaan ng kalye ay makikita ang iba't-ibang tindahan ng mga produktong gawa sa kahoy. Makikita rin ang kanilang pagiging malikhain sa pag-aayos ng mga bulaklak na siya rin kanilang tinitinda. Ang sikat naman na People in the Sky ay dinarayo ng mga tao dahil sa hindi natuloy na bahay-bakasyunang imprastraktura ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Nahihikayat ang mga turista na puntahan ang lugar na ito maliban sa pagiging makasaysayan marahil na rin tanaw na tanaw mula sa mansyon ang kabuuan ng buong kapaligiran. Isa rin na makikitaan ng kultura sa sining ay ang Museo Orlina. Makikita dito ang iba't-ibang obra at iskultura na nagpapakita ng kayamanan sa sining ng mga taga-Tagaytay.
Maliban sa sikat na mga pagakin na produktong pinya ay nakaugalian na rin ng mga tao at dumadayo dito ang pagkain ng buko pie at bulalo. Dahil nga malamig ang klima sa Tagaytay ay bumabagay ang pagkain ng bulalo sapagkat ito ay mainit. Marami din ang mga tindahan at kainan ng bulalo na matatagpuan sa Tagaytay. Kahit saan ka man lumingon ay makakakita ka ng mga tindahan kung saan ang produkto ay buko pie. Madalas na ito ang ginagawang pasalubong ng mga dayuhan sa lugar na ito. Ang mga pagkaing ito ay mga pagkaing tumatak na sa probinsya ng Tagaytay.
Ang Tagaytay ay higit pa sa ating iniisip. Hindi lamang ito mayaman sa mga magagandang atraksyon ngunit mayaman din ito sa kulturang pilipino, tulad ng lugar, mga kapistahan, pagiging marelihiyoso, sining, pagkain at iba pa. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kultura na dapat din nating makilala tuwing tayo ay mabibisita sa Tagaytay. Kung ating kikilalanin ang lugar na ito ay tiyak na magugustuhan at mamahalin mo ang kanilang mga katangi-tanging kultura.